"TULONG"
Kaibigan, alam mo ba ang salitang "TULONG"?
May araw ba sa buhay mo na hindi ka nangailangan nito?
Kaibigan, sino ka kaya saknila?
*May 2 klase ng taong humihingi ng tulong
1.1 Yung talagang gipit o nangangailangan
1.2. Gusto lang makalamang sa kapwa (yung kaya naman pero tamad lang o gusto kabig lang ng kabig, vacuum ang tawag sknla)
**May 2 klase ng taong tumutulong
2.1 Tumutulong pero kailangan may kapalit ("sus wala yun" pero nageexpect?)
- tumutulong pero kung makakwento naman sa iba wagas para lang masabi na "ang bait mo pala" , o may maipagmayabang lang na may natulungan ka.
2.2 Tumutulong na bukal sa loob nya kahit walang kapalit (may tao pa bang ganto?)
***May 2 klase ng taong ayaw tumulong
3.1 Ayaw kasi wala naman syang mapapala kung tutulungan ka nya
- eto ung mga taong ang laging linya "wala eh, sensya n" (kahit meron o kahit kaya naman)
- sino ka ba para tulungan nya? may maibabayad ka ba? hindi mo naman sya natulungan noon kaya sino ka para tulungan ka nya ngayon? at higit sa lahat, "close kayo?"
3.2 Ayaw dahil posible na maungusan mo sya kung tutulungan ka nya.
- mga takot mabawasan ang kaalaman o kayamanan.
Sa panahon ngayon, hindi na natin alam kung sino talaga ang tao na dapat natin tulungan. Pero bakit kailangan mo pa kwestyonin yun? Kung ikaw si 2.2, kahit ang taong tinulungan mo ay si 1.2 , hindi ka maghihinayang. Bakit? Kasi ang mahalaga nakatulong ka. Hindi mo na problema kung nilamangan ka, konsensya na nya yun (kung meron man). Ang mahalaga, tumulong ka ng bukal sa puso mo. Aba dagdag points din kay San Pedro yan. Ngayon, kung ikaw naman si 2.1, 3.1 at 3.2 , mahiya ka naman sa sarili mo. Darating at darating ang panahon (hindi man sa ngayon) na mangangailangan ka rin ng tulong mula sa kapwa mo. Mararamdaman at mararamdaman maging si 1.1.
Bilog ang mundo. Kada araw sa buhay ng tao may pagbabago. Ikaw man ang nakakaangat ngayon, maaaring bukas o sa makalawa ikaw naman ang may kailangan ng tulong nya. Kung ikaw si 1.1, wag mawalan ng pag-asa. wala mang taong gustong tumulong sa'yo sa ngayon, kapit lang! sa 1M tao sa mundo, may isang 2.2 na inilaan para umangat ka. Pero wag aabuso ha, matuto din magsumikap at baka maging si 1.2 ka na... Tandaan, walang ibang pwedeng mkatulong sayo kundi ang sarili mo. Kung patuloy kang aasa sa kapwa mo, walang mangyayari sayo. Patuloy kang magiging si 1.1. Kaya matuto kang "Mangarap. Magsumikap. Magtyaga." Pag nagawa mo yan panigurado, aangat ka. At kapag ikaw naman na ang nasa itaas, wag kakalimutan maging si 2.2 ha. Kung lahat ng tao sa mundo ay gaya ni 2.2, wala ng magiging 1.1. Tama? Ika nga ng uso ngayon, Isip isip din pag may time. :)
Inuulit ko, kaibigan, sino ka saknila?
